Lumabas ako sa silid aklatan
dala ang mga librong
naninilaw na sa kalumaan.
Bitbit ang aking bag
at isang paying na pula.
Mula sa malayo, matatanaw
ang naglalabong kapaligiran
mula rito, sa kinatatayuan
natatanaw ko ang
malakas na ulan.
Pagkalapit ko sa labasang iyon
isang malamig na ihip
ang bumati sa akin,
kulang ang sabihing ihip yaon,
nilipad ang mga pahina
ng lumang libro.
Pagkakawaksi ng mga kagamitan
agad ipinulot ang mga pahinang
animong panahon pa ng neyolitiko
nababasa at napuputikan
hanggang sa dumating ang isang ikaw.
Kapansin-pansin
ang iyong putting ngiti
nang masilaw ako sa liwanag nito,
ngunit tinitigan kong maigi,
hindi pala ngiti ang siyang nakasisilay,
kundi ang mga bakal na nakakabit ditto.
Iniabot mo ang iyong mga kamay
na siya kong tinugon ng mga napulot ko.
Ngunit palpak, mali.
Ang mga palad koa ng iyong dinampot
Hindi ko mawari
kung isa kang tanga,
hindi ko maisip
kung bakit kaya.
Nililinlang mo ako
ng iyong mga matang
animong bituin sa pagkikislap
nasusuya na ako
sa iyong pinaggagagawa.
hindi mawari kung
ano ba talaga,
maihahampas ko na ang
mga pahinang hawak ko
ng mapansing pula ang paying mo.
Dala marahil ng kabog ng dibdib
o ng malakas na pagkulog,
nilipad muli ang mga pahinang
nakalimutan pasandali,
ang mga kaawa-awang mga papel
nagluluma, putik-putik at basing-basa
pasalamat ako, nang ika’y nagising
mula sa kasiraan
nagpasya kang tumulong magpulot ng mga ito.
Anang kalimutan ang kahibangan
at gawin ang mga dapat gawin.
Ibinalik mo ako sa lilim,
gamit ang paying na pula
saka nagpaalam kasabay ng halik
saka tumalikod at nagmadali.
Ako itong walang alam sa naganap
napasigaw ng malakas.
pagharap mo’y, nasambit ko
‘Payong kong pula, ibalik mo!’
-July 30, ‘08
Wednesday, January 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment