Wednesday, January 14, 2009

Untitled

Pagsakay niya sa sasakyan
Ako’y napalingon, napaisip
Ano itong pinagtitigan at pinagmamasdan
Waring titiga’t ni di magawang masabihan.
Ang mamang ito, na siyang paksa.
Ang mamang bulag na nakasabay sad yip.

Nagtanong siya,
At siya’y sinagot na may kasamang ngiti
Aliw na aliw sa magalang niyang pakiwari
at kahalong lungkot ang mababasa
sa kanyang maliit na mata
Sayang at di man lamang niya makita
Ang magandang ngiti ng dalagang nausisa
Sayang at sa sa pakiramdam lamang niya ito matutuklasan.

Tanging mga tunog
Na di mawari kung ano,
Ang bintana sa realidad.
At ang mga busina, pagpreno at ang hanging malamig
Ang animong musikang ipinatutugtog.

Nakahahabag isiping ganyan ang gawain sa araw-araw.
Ang maglakbay na sarado sa kulay at kagandahan ng mundo.
Isa marahil pakiwari ng nagkulang sa pandamdam,
sana sila rin ay masilayan ang lahat ng ito.


-August 5, ‘08

No comments: