Photo from: www.imdb.com |
I'm trying on a new approach with writing - with all the things I've been going through right now. Nothing major. Here's the mother tongue version:
Ang pelikula ay hango sa buhay ng babaeng may
kakaibang disposisyon sa buhay nagngangalang Adeline Bowman. Si Adeline ay
ipinanganak na normal ngunit dahil sa isang aksidente kung saan siya ay
tinamaan ng kidlat – tumigil ang kanyang pagtanda.
Noong una, nakakaengganyo at kapanapanabik siguro
magkaroon ng ganoong klaseng kakayahan – ang mabuhay sa araw-araw na hindi mo
aalalahanin ang pagtanda, ang ilang komplikasyon kasama nito. Hindi mo
aalalahanin ang nangngungulubot na mukha, lumalabong paningin, at mga sumasakit
na kasu-kasuhan Mahaba ang oras na maaring igugol sa mga bagay na gustong gawin
na hindi kailangang intindihin kung sasapat pa ba ng oras.
Ngunit habang umuusad ang panahon para kay Adeline,
umusbong ang ilang suliranin sa kanyang kondisyon. Isa na dito ang maaring
maging kinabukasan ni Adeline sa kamay ng mga tao. Naipakita sa pelikula ang katotohanan
sa paguugali ng mga tao: kung ano ang hindi maipaliwanag ay kailangang
pag-aralan. At sa pagaaral na ito – tinitingnan kung maari ba itong maiduplicate o makamit. Dito namulaklak ang
takot ni Adeline. Sino nga naman ang gugustuhing makulong upang pagaralan ng
mga siyentipiko.
Takot ang bumuhay sa namamatay na pamumuhay ni
Adeline.
Namamatay siya sa aspetong, kinailangan niyang
mabuhay magisa dahilan sa kanyang kakaibang kondisyon. Nakakalungkot ang
kaalamang iiwanan ka din ng mga mahal mo sa buhay dahil sadyang maikli ang
natural na buhay ng tao. Kinailangang iwan ni Adeline ang kanyang anak dala ng
takot sa kapwa tao, sa takot na mapageksperimentuhan. Sa ilang eksenang
naipakita ang anak niya – na siya naming matanda na at naninirahan na lamang sa
isang retirement facility –
nakakalungkot ang implikasyon na sa sandaling panahon pa ay maari na siyang
mamatay. Kung ano mang maiiwan sa buhay ni Adeline ay pawang mga alaala na
lamang.
Black and
White kung tutuusin ang buhay ni Adeline. Nawala na ang kulay na
nagpapasigla dito. Marahil dala ito ng kaalamang mahaba pa ang lalakbayin niya.
Madali para sa atin ang isawalang bahala ang halaga ng mga bagay pag alam
nating hindi ito aalis o hindi ito mawawala ng basta-basta. Ang buhay ni
Adeline ay nagmistulang isang obligasyon na kailangan pag-daanan at ang
kalunos-lunos na kalagayan ay isang biyayang nagmimistulang isang sumpa. Ngunit
sadyang mapaglaro ang tadhana – dumating sa buhay ni Adeline si Elis na siyang
naging daan upang maibalik ang sigla sa buhay ni Adeline. Sa isang di
inaasahang pagkakataon, nang nagdesisyong tumigil sa pagtakbo sa Adeline sa
kanyang problema – naibalik siya ni Elis sa natural na daan ng buhay. Nawala
ang sumpa ni Adeline at nagsimula siyang tumanda muli.
Nakakaantig ng damdamin ang pelikula – napagtagumpayan ng produksyon
ang pagpapatunay sa kasabihang “Love Conquers
all” kung saan nagkaroon ng lakas ng loob si Adeline na harapin ang kanyang
takot na hayaan ang sariling umibig muli. Maganda din naman ang kinalabasan ng
katapusan ng pelikula at ang nakakatuwang paghahambing kay Adeline sa isang
kometa – hindi man ito dumating sa panahong inaasahan, ay dumating ito kagaya
ng prediksyon sa pelikula.
No comments:
Post a Comment