Wednesday, November 18, 2015

Homeless

Son, I left food in the microwave.
Your dad is on another business trip.
Don’t wait up, I’ll be home late.

Madilim nanaman ang paligid
Ang katahimikang babasag sa kabingihan
Subukan ko kayang umupo sa tabi
- panghawi lang sa nahahapong damdamin.

Really now, I don’t have the time
I have to work to feed us, you know?
Besides, I never raised you just to be second best!

Para saan pa at kumuha ng patimpalak
Kung sila man ay hindi makaalala
Marahil sapat na ang nagaalab na pagnanasa
- walang mararating ang karangalang hayok sa paapuri.

You probably got it from dallying too much
You should start acting like a grown up.
I never raised a son who misbehaved.

Alin ang tama sa maling lipunan,
Alin ang mali sa bulag na palakad,
Kung ang tahanang kinalakhan ay tumuro sa iba?
Sino pa ang gagabay sa batang ligaw?

Son, it’s because I love you that I have to leave
This is all for your future’s sake.
That someday, we’ll live in a pool of gold, never worrying.

Ina, binansagang ilaw ngunit pundi
Ama, haliging sa ibang bahay bumabakod
Ba’t hindi niyo balikan ang bukang-liwayway
Gusto ko mang umuwi,

Pero saan ako lulugar?// 100515




.. rejected piece...

No comments: